Spell mo I-N-G-G-I-T. Kahit ilang beses mo pang sabihing napaka Over Rated na ng mga gumagawa ng ganito kasi masyado nang marami ang gumagawa nito, ay leche lang! Kung ikaw kaya ang babaeng pinag-effortan nito, masasabi mo pa rin ba kayang napaka over rated na nito? Tapos kung ikaw naman eh lalaki at nasasabi mong, masyado nang common yan, sige nga ikaw nga! May naisip ka bang MAS bongga? Like what? ipa-billboard sa Edsa yung Will u be my gf? Hindi naman sa pa-bonggahan yan eh, nasa effort lang yan.Kasi kung ako yung andito, ewan. Nanlanta na siguro tuhod ko, di na ako makakagalaw sa pagka speechless sa nakita ko. Grabe lang kasi. Pero alam ko namang di ko mararanasan to. #tanggap ko na teh! HAHA. Kahit simpleng banner, or idea lang to, shit pa rin thumbs up sa effort! Plus, sa part nung guy eh wala nang hiya hiya para lang gawing successful to. Ay shit! Grabe lang. Grabe. :)))
Bihira as in RARE/ EXTINCT species na ang mga lalaking ganito ka-sweet. Yung iba kasi feeling nila, magtype lang sila ng mahabang wallpost at ipost sa wall ng girl, eh grabeng kilig na yun. Siguro sa iba oo. Pero diba naman. Iba pa rin yung talagang pinag-isipan nung taong mahal mo kung paano ka pakiligin, pano humungi ng sorry sayo. Paano ka sorpresahin. Ibang iba kasi pag nilagyan ng effort eh. Mas makikita at malalaman kasi hindi lang ikaw kundi ng tao sa paligid at mga taong tumulong na mahal na mahal ka talaga niya. Sino ba naman magaaksaya ng panahon na mag chuchu ng ganyan kung di ka mahal diba?
Ako kaya, siguro mamamatay na talaga akong inggitera! HAHAHA. Ano kayang feeling? Yung maiiyak ka sa sobrang tuwa at kilig? Grabe lang. ASDFGHJKL! Walang wala ang mga simpleng pabigay bigay na lang ng bouquet na malalanta din naman ng isang linggo, walang sinabi sa memories na makukuha mo pag nakaranas ka ng ganito, kasi kahit gaano na katagal nangyari, pag naaalala mo, andun pa din yung kilig.
Shit. Inggit talaga ako. HAHAHA #foreveringgitera