|
Chin Cabo-te.♡
Chin, 16. I'm a princess (without a castle and a prince). Awfully random and hard to understand. I love to kill time and FRIES, of course. Filipina|YFC - Central 1|Petite Awesome People
|
JS Prom na bukas. At parang kailan lang yung mga panahong ilang taon pa bago ako maka-experience ng prom. Iniisip ko noon kung saan kaya gaganapin, sino mga may ka-date at wala, at kung anu-ano pang mga bagay na pumapasok na lang sa isipan ko. Parang gusto ko na kaagad makaranas mag-JS noon, nung mga panahong nanonood lang kaming magpractice yung mga Juniors at Seniors. Tas ngayon, kami na. Kami na yung pinapanood at inaabangan. Kami naman ngayon yung naeexcite na kinakabahan. Hindi talaga namin malaman kung ano ang dapat maramdaman. Sabi nila, dapat ang iniisip “Prom lang yan!” Pero hindi eh. Ang hirap kasi kailangan super memorable talaga lalo na’t hindi annually ito ginagawa sa school namin. At last na e, natatakot ako na may masamang alaala kaming bibitbitin regarding sa first and last JS prom namin. At sa ngayon, iniisip ko na magiging okay ang lahat bukas, kahit na nakakalungkot at patapos na ang taon… Bukas na ang prom, SHET. |